Your Name
URL or Email
Message (Smilies)
Powered By dEkap.com


.::FAVE LINKS::.
View Archives
View Journal
My Homepage
My GBook
Grabeh.Com
Rebelde.Com
PinoyExchange
The Midnight Countdown
Francis' Place
Robbie Roy
Monay Monster
Yarivleachim's Site
Candice

.::LINK ME::.


.::BLOGS TO READ::.
[Nei] [Abe] [Armina] [Jewel] [Koni] [Juxtapose] [Iva] [Neo] [Kyo] [Marge] [Trixy] [Chris] [Sko] [Zarah] [Isi] [Anj] [Michan] [Janina] [MX] [Xavier]

.::WEBRINGS::.
« # FlipBlogs ? »
« ? Bloggers # »

.::PLUGGINGS::.



Click to subscribe to imago-mail


 

 
 





 


   
Sunday, November 30, 2003
 
Scary Movie 3

Napanood ko ito kamakailan, dapat nga The Grudge yung papanoorin ko kaya lang baka bangungutin naman ako pagkanood nito. Purong purong slapstick comedy ang nasabing pelikula. At pagkatapos, wala siya masiyadong istorya. Di ko siya ganun na-appreciate pero natuwa ako doon kay Cody sa mga pinepredict nya. Hehe. Siguro, kung kailangan nyo ng panandaliang kaligayahan, ito ang panoorin nyo. Hehe. Pero kung nanghihinayang kayo sa pera, maghanap na lang siguro kayo ng ibang pelikula na tiyak na magugustuhan nyo.
   posted by at 11/30/2003 11:44:27 PM 
 
Wee Wee

Kanina lamang ay sinamahan ko ang aking nakakatandang kapatid na mag-grocery sa may Rustan's sa Magallanes. At dahil ay di na sinusuotan ni Kuya ng diapers ang mga anak niya. Ayun... muntikan na talaga silang magkalat sa Grocery. Hehe. Sabi kasi kanina ni Justin wee wee na raw siya. Ayun, bigla ba naman binaba ang kanyang salawal. Ako naman ay agad inutusan ni Kuya na itakbo papalabas ng Grocery ang aking pamangkin. Siyempre, tumakbo siyang nakababa ang kanyang shorts pero tinaas ko iyon sa kalagitnaan ng pagmamadali. Tapos, si Lance naman daw ang sumunod. Hehe.
   posted by at 11/30/2003 11:35:19 PM 


   
Wednesday, November 26, 2003
 
Hoy Hoy Hoy Hoy Hoy Hoy

Hoy... hoy... huy... oi... oist... uy...
TAENA!!! May pangalan ako!!!

Sa lahat ng ayaw ko, ay yung tinatawag ako ng hoy sa dahilan may pangalan ako. Sadyang nakakapanggigil lang talaga. Ang bad trip lang talaga kasi. Pakiramdam ko, kapag tinatawag ako ng hoy, para akong isang maliit na maliit na alikabok. Ganun ang pakiramdam ko, sobrang nanliliit ako. Pakiramdam ko, wala lang ako. Ang bad trip di ba? Pero yung pinost ko sa taas ay syempre.. kalahati lang doon ang totoo. Alam nyo kung bakit? Ito ay dahil sa syempre di ko naman mamumura yung tao dahil sa totoo lang, nananahimik na lang ako... kasi... nasasaktan na talaga ako. Nalulungkot ako na galit na di ko maintindihan. Siguro maiisip nyo na ang babaw ko naman. Pero anak ng pickles naman, eh kung kayo kaya yung tawagin na hoy, tapos yung tono pa ay yung tipong suplada/suplado effect at di yung tipong naglalambing... ano ang mararamdaman mo?

FPJ: Tatakbo sa Pagkapangulo

Tama ang mga haka-haka dati, na si FPJ nga, ang kilalang action King ng Pelikulang Pilipino ay tatakbo nga bilang pulitiko. Kung gagawing pelikula ang darating na halalan, malamang ay si FPJ ang bida at ang mga kalaban nitong partido ay ang mga kontra-bida. At siyempre, dahil siya ay bayani ng masa na mga taga-subaybay ng mga pelikula ni FPJ, ay malaki talaga ang tiyansa niya na manalo sa darating na halalan. Kung titignan mo sa statistics ang porsyento ng populasyon kung ilan dito ang sa masa ay baka malula ka at mapaluha na lang. At siyempre pa, lalo na't nawawalan na ng pag-asa ang karamihan ng napapabilang sa middle class ay baka mabawasan pa ang mga boto para sa mashigit na karapatdapat na maging pangulo ng ating bansa. Milagro na lang siguro na di siya ang mananalo...
   posted by at 11/26/2003 01:41:17 PM 


   
Monday, November 24, 2003
 
Kambal Bloopers

Noong Sabado lamang ng umaga ay may kakaibang bloopers ang mga pamangkin ko na sadyang kapansin pansin.

Ate Richelle: Kambal behave!!!
Jusin and Lance: Di kami KAMBAL!!!

Lance: Pakamot (sabay turo kung saan kakamutin ang bungang araw nya)
stranger kina kambal: *natawa na lamang at kinamutan na lang si Lance*

Kambal: Saan si Daddy?
stranger kina kambal: Di ko alam eh.
Kambal: Saan si Lolo?
stranger kina kambal: Ewan ko.

Ako: Pasok na kayo school di ba?
Kambal: Ayaw namin magschool!!!!!!!!

Sina Justin and Lance talaga, kahit sobrang puyat ako non, nakukuha ko pa rin tumawa at ngumiti dahil sa kanilang mga kalokohan. Hehehe!
   posted by at 11/24/2003 12:17:40 AM 


   
Sunday, November 23, 2003
 
Alam mo ba ang Ibig Sabihin ng Ate?

Yan ang hinirit sa akin ng nakakatanda kong kuya. Pero, siya, alam niya ba ang ibig sabihin ng kuya? Ako naman kasi tinutulungan ko naman si bunso hangga't sa makakaya ko. Pero si Kuya, tinulungan nya ba ako sa mga machine projects lalo na nong mga panahong kelanganan na kailangan ko ang kaalaman nya? Hindi naman niya ako tinutulungan sa tuwing nagpapaturo ako sa kanya. Hindi ba't nakakapagtaka at isinumbat niya sa akin yan? Ano ba naman yan? Hindi ko lang maisumbat sa kanya right-on-his-face dahil siyempre, masmatanda siya sa akin at baka masuntok lang ako niyan. Isang war freak ata ang Kuya ko. Susme...
   posted by at 11/23/2003 03:26:45 PM 
 
Mga Korny na Hirit

Kanina lamang ay lumabas kami ng aking ama at ng aking kuya kasi nga kaarawang ni Daddy kahapon (November 21). Sa Greenbelt kami napadpad. At nong paalis na kami, ay nadaanan namin ang Tokyo Tokyo at meron yata silang promo doon at ang tawag ay Shrimply Irresistible. Tignan mo nga naman. Haha. Ganyan na ka-corny ang hirit ng mga tao ngayon siguro ay dahil sa nagiging limitado na rin ang creativity ng ilan.

Nirerekomenda ko: Chilli's

Aking nirerekomenda na subukan nyong kumain sa Chilli's. Masarap doon pangako yan. Hehehe! Sa Fajitas pa lang busog na busog na. Paano, ang galing kasi talaga ni Kuya eh.. yung one pounder pa talaga yung inorder. Ayan tuloy, may natira pa. Sa katunayan nga, hindi talaga good for two yung Beef Fajitas nila. Pwede pa tong maging good for 3 or 4 at syempre, depende na din kung gaano kalalakas kumain ang mga iyon. Hehehe! Tapos yung nachos doon ay bottomless din. Fajitas at nachos pa lang ay siguradong busog na kayo doon. Hehe!
   posted by at 11/23/2003 12:26:16 AM 


   
Saturday, November 15, 2003
 
Taxi na Sponsor ng McDo

Sa kalagitnaan ng pag-aantay ng taxi ay may nakita kaming taxi na may logo ng McDo sa ibabaw. Hehe! Ang kulit nga eh. Kasi pakiramdam namin ay sponsor sila ng McDonalds at inaadvertise nila ito. Ang sarap siguro sumakay doon lalo na kung meron silang libreng Cheeseburger meal o kaya fries at drinks para pampalipas oras lalo na pag naipit sa traffic o kaya naman mga laruan mula sa happy meal para sa mga batang di mapakali. Hehe!
   posted by at 11/15/2003 03:00:04 PM 


   
Thursday, November 13, 2003
 
Mga Signos na malapit na ang Pasko

Malapit na naman ang Pasko at ano nga ba ang mga signos na malapit na nga ito?
Una, kapag nag-umpisa na ang Ber months ay sadyang maiisip mo na na magpapasko na naman. Sa ganitong mga buwan pa lang ay nag-iisip ka ng mga mga gift ideas kung anong ibibigay mo sa mga malalapit sa iyong puso.
Ikalawa, peak season ito ng nakawan. Ngayon, marami akong nababalitaan na naiisnatchan o kaya naman nadudukutan ng cellphone at iba pang uri ng pagnanakaw. Malamang sa gobyerno meron na namang nakawan diyan dahil nga ang buwan ng Pasko ay sadyang magastos.
Ikatlo, pag may nakikita ka ng mga nakasabit na parol, Christmas lights at kung anu ano pang Christmas decors sa labast at maging sa loob ng bahay. Sa Skyway nga ay nakita ko ang Higanteng Christmass Tree na nakatayo na at may sindi.
Ika-apat, kapag may naririnig kang mga Christmas songs sa mga radyo o sa kung sino mang mahilig magpatugtog ng mga Christmas songs pag malapit na ang nasabing okasyon.
Ika-lima, pag meron ka ng natanggap na aguinaldo (Christmas money) mula sa iyong mga magulang o kaya sa iyong ninong at ninang. Ngunit dahil sa hirap ng panahon ngayon, wag muna kayong umasa na makakakuha kayo ng malaking halaga mula sa mga Santa Claus.
Ika-anim, kapag nakakakita ka na ng mga Christmas cards na binibenta sa kung anumang bookstore at pag nakakakita ka na rin ng mga gift wrappers na ang disenyo ay pang-Pasko talaga.
Ika-pito, kapag nakakatanggap ka na ng mga Fruitcakes o kung anumang regalong pagkain mula sa mga kaibigan.
Ika-walo, kapag meron na kayong Fiesta Ham at Keso de Bola sa bahay na di talaga nawawala kapag Noche Buena na.
Ika-siyam, kapag may nakikita ka ng nangangaroling kung saan saan. At ang mga lugar na ito ay maaaring sa labas ng inyong tahanan, sa bus, jeep at kung saan saan pang pampublikong lugar. Hehe!
May kulang pa ba?
   posted by at 11/13/2003 01:01:44 PM 


   
Wednesday, November 12, 2003
 
Sino ba talaga si Grimace

Kanina lamang mga 1pm ay naglalakad ako sa tapat ng Velasco hall papalabas ng campus upang kumain ay merong nagsagawa ng ambush interview sa akin. Take note, may video camera pa! Tinanong nila ako kung sino daw ba talaga si Grimace at ang sagot ko naman ay ganito "Isa siyang mutant na potato." Haha! Hindi ba't parang pang Wow Mali yata ito or Misadventures of Maverick and Ariel. Tapos meron silang ibang mga nilapitan at tila nahihiya tulad ng isang makahiya ang mga estudyanteng iyon. Meron pa nga daw nagsabi na si Grimace ay isang hybrid ng Ube at Patatas. Kayo ba, ano ang nasa isip nyo kung sino ba talaga si Grimace?
   posted by at 11/12/2003 11:05:41 PM 
 
Mga Kakaibang Pangalan ng Establishment

Kanina lamang pagtawid ko sa Taft ay may bagong tindahan na kapansin pansin dahil sa ito'y parang naging extension ng Spoofs Unlimited. Ang pangalan ng naturang tindahan ay Monay Lisa. Ngunit isa pong babala, hindi po monay ang tinitinda nila. Nagtitinda sila ng mga Squid balls at kung anu ano pa. Di ko nga lang lubos maisip kung bakit Monay Lisa ang tawag sa tindahan. Naalala ko tuloy yung obra maestra ni Leonardo da Vinci na si Mona Lisa. At pagkakita ko sa tindahan na yun ay naalala ko naman yung mga ka-laff tripan namin nong isang araw. May nakita daw silang mga tindahan na ganito ang pangalan:
Maruya Carey
Bread Pitt
Babalik Karinderya
At syempre dahil sa mga katatawanang iyan ay medyo sumakit ang mga panga at tiyan namin sa katatawa.
   posted by at 11/12/2003 10:31:41 PM 
 
Chinese Name Ko

Sabi sa website na ito, ang Chinese name ko raw ay Ran Kuo Rui. Sa nasabing website ay papalagay ang inyong buong pangalan at pati na rin ang araw ng inyong kapanganakan. Ngunit sinabi rin nila na kapag di mo raw nagustuhan ang nakuha mong Chinese name ay pwede mo itong ulit ulitin dahil random nga naman ang makukuha mo. hehe!

Nong Martes sa City Hall ng Paranaque

Nakasalubong ko si Senator Biazon sa labas ng COMELEC office kung saan ay nakapila ako upang magpakuha na ng picture para sa aking Voter's ID. Napag-isip isip ko rin kasi na dapat kong gamitina ang karapatan kong bumoto at napag-isip isip ko rin na isa ko rin itong responsibilidad bilang isang mamamayan. Sabi nga nila, "Every vote counts". Ang bawat boto natin ay maaaring makasira o makabuti ng ating bansa ngunit sana naman ay wag muli itong gawing tila isang Popularity Contest na kung saan ay artista ang mga nananalo.
   posted by at 11/12/2003 09:44:48 PM 


   
Sunday, November 09, 2003
 
Pila sa City Hall: Dinaig ang Pila sa Matrix Revolution

Kung ang pagkuha lamang ng number ay may katumbas na bayad ng katulad sa Greenbelt o kaya sa Glorietta, malamang ay madaig pa ang kinita ng Matrix Revolution sa unang araw ng opening nito. Ganyan katindi ang pila. Maihahalintulad na nga siya sa Roller Coaster dahil sa pag-akyat at pagbaba at sa pag-ikot na rin pero syempre, di naman kasama doon ang loop... Hehe!
Biruin nyo, 5pm ako dumating ng City Hall, nag-antay pa ako ng mga sampung minuto dahil sa naubusan na raw ako ng application forms. At pagkakuha ng sakin ay dali-dali kong sinulatan ng info na gusto nilang malaman. Basta... ang labo talaga ng sistema nila. Kasi, wala man lang sign na tumutukoy na dito lamang kukuha ng application forms o ng kung anumang papeles yan. Ihalintulad natin ang ganitong sitwasyon na para akong isang turista na nasa Mall na walang mga signs. Para ka ring nasa kagubatan pero wala kang hawak na compass at mapa.
Balik naman tayo sa pila, pasado 7pm na ako natapos. At isang mahiwagang number lang ang aking nakuha. Pinapabalik ako sa Martes at ang number na nakuha ko ay 40. Sana naman ay may mangyari sa pagpila ko sa Martes para nagkasilbi naman ang pagpila ko para lang makuha ang number 40 na yan.
   posted by at 11/9/2003 09:14:34 PM 



 
Comments by: YACCS
View Archives