Sa kalagitnaan ng pag-aantay ng taxi ay may nakita kaming taxi na may logo ng McDo sa ibabaw. Hehe! Ang kulit nga eh. Kasi pakiramdam namin ay sponsor sila ng McDonalds at inaadvertise nila ito. Ang sarap siguro sumakay doon lalo na kung meron silang libreng Cheeseburger meal o kaya fries at drinks para pampalipas oras lalo na pag naipit sa traffic o kaya naman mga laruan mula sa happy meal para sa mga batang di mapakali. Hehe!
Malapit na naman ang Pasko at ano nga ba ang mga signos na malapit na nga ito? Una, kapag nag-umpisa na ang Ber months ay sadyang maiisip mo na na magpapasko na naman. Sa ganitong mga buwan pa lang ay nag-iisip ka ng mga mga gift ideas kung anong ibibigay mo sa mga malalapit sa iyong puso. Ikalawa, peak season ito ng nakawan. Ngayon, marami akong nababalitaan na naiisnatchan o kaya naman nadudukutan ng cellphone at iba pang uri ng pagnanakaw. Malamang sa gobyerno meron na namang nakawan diyan dahil nga ang buwan ng Pasko ay sadyang magastos. Ikatlo, pag may nakikita ka ng mga nakasabit na parol, Christmas lights at kung anu ano pang Christmas decors sa labast at maging sa loob ng bahay. Sa Skyway nga ay nakita ko ang Higanteng Christmass Tree na nakatayo na at may sindi. Ika-apat, kapag may naririnig kang mga Christmas songs sa mga radyo o sa kung sino mang mahilig magpatugtog ng mga Christmas songs pag malapit na ang nasabing okasyon. Ika-lima, pag meron ka ng natanggap na aguinaldo (Christmas money) mula sa iyong mga magulang o kaya sa iyong ninong at ninang. Ngunit dahil sa hirap ng panahon ngayon, wag muna kayong umasa na makakakuha kayo ng malaking halaga mula sa mga Santa Claus. Ika-anim, kapag nakakakita ka na ng mga Christmas cards na binibenta sa kung anumang bookstore at pag nakakakita ka na rin ng mga gift wrappers na ang disenyo ay pang-Pasko talaga. Ika-pito, kapag nakakatanggap ka na ng mga Fruitcakes o kung anumang regalong pagkain mula sa mga kaibigan. Ika-walo, kapag meron na kayong Fiesta Ham at Keso de Bola sa bahay na di talaga nawawala kapag Noche Buena na. Ika-siyam, kapag may nakikita ka ng nangangaroling kung saan saan. At ang mga lugar na ito ay maaaring sa labas ng inyong tahanan, sa bus, jeep at kung saan saan pang pampublikong lugar. Hehe! May kulang pa ba?
Kanina lamang mga 1pm ay naglalakad ako sa tapat ng Velasco hall papalabas ng campus upang kumain ay merong nagsagawa ng ambush interview sa akin. Take note, may video camera pa! Tinanong nila ako kung sino daw ba talaga si Grimace at ang sagot ko naman ay ganito "Isa siyang mutant na potato." Haha! Hindi ba't parang pang Wow Mali yata ito or Misadventures of Maverick and Ariel. Tapos meron silang ibang mga nilapitan at tila nahihiya tulad ng isang makahiya ang mga estudyanteng iyon. Meron pa nga daw nagsabi na si Grimace ay isang hybrid ng Ube at Patatas. Kayo ba, ano ang nasa isip nyo kung sino ba talaga si Grimace?
Kanina lamang pagtawid ko sa Taft ay may bagong tindahan na kapansin pansin dahil sa ito'y parang naging extension ng Spoofs Unlimited. Ang pangalan ng naturang tindahan ay Monay Lisa. Ngunit isa pong babala, hindi po monay ang tinitinda nila. Nagtitinda sila ng mga Squid balls at kung anu ano pa. Di ko nga lang lubos maisip kung bakit Monay Lisa ang tawag sa tindahan. Naalala ko tuloy yung obra maestra ni Leonardo da Vinci na si Mona Lisa. At pagkakita ko sa tindahan na yun ay naalala ko naman yung mga ka-laff tripan namin nong isang araw. May nakita daw silang mga tindahan na ganito ang pangalan: Maruya Carey Bread Pitt Babalik Karinderya At syempre dahil sa mga katatawanang iyan ay medyo sumakit ang mga panga at tiyan namin sa katatawa.
Sabi sa website na ito, ang Chinese name ko raw ay Ran Kuo Rui. Sa nasabing website ay papalagay ang inyong buong pangalan at pati na rin ang araw ng inyong kapanganakan. Ngunit sinabi rin nila na kapag di mo raw nagustuhan ang nakuha mong Chinese name ay pwede mo itong ulit ulitin dahil random nga naman ang makukuha mo. hehe!
Nong Martes sa City Hall ng Paranaque
Nakasalubong ko si Senator Biazon sa labas ng COMELEC office kung saan ay nakapila ako upang magpakuha na ng picture para sa aking Voter's ID. Napag-isip isip ko rin kasi na dapat kong gamitina ang karapatan kong bumoto at napag-isip isip ko rin na isa ko rin itong responsibilidad bilang isang mamamayan. Sabi nga nila, "Every vote counts". Ang bawat boto natin ay maaaring makasira o makabuti ng ating bansa ngunit sana naman ay wag muli itong gawing tila isang Popularity Contest na kung saan ay artista ang mga nananalo.
Pila sa City Hall: Dinaig ang Pila sa Matrix Revolution
Kung ang pagkuha lamang ng number ay may katumbas na bayad ng katulad sa Greenbelt o kaya sa Glorietta, malamang ay madaig pa ang kinita ng Matrix Revolution sa unang araw ng opening nito. Ganyan katindi ang pila. Maihahalintulad na nga siya sa Roller Coaster dahil sa pag-akyat at pagbaba at sa pag-ikot na rin pero syempre, di naman kasama doon ang loop... Hehe! Biruin nyo, 5pm ako dumating ng City Hall, nag-antay pa ako ng mga sampung minuto dahil sa naubusan na raw ako ng application forms. At pagkakuha ng sakin ay dali-dali kong sinulatan ng info na gusto nilang malaman. Basta... ang labo talaga ng sistema nila. Kasi, wala man lang sign na tumutukoy na dito lamang kukuha ng application forms o ng kung anumang papeles yan. Ihalintulad natin ang ganitong sitwasyon na para akong isang turista na nasa Mall na walang mga signs. Para ka ring nasa kagubatan pero wala kang hawak na compass at mapa. Balik naman tayo sa pila, pasado 7pm na ako natapos. At isang mahiwagang number lang ang aking nakuha. Pinapabalik ako sa Martes at ang number na nakuha ko ay 40. Sana naman ay may mangyari sa pagpila ko sa Martes para nagkasilbi naman ang pagpila ko para lang makuha ang number 40 na yan.