Hoy... hoy... huy... oi... oist... uy... TAENA!!! May pangalan ako!!!
Sa lahat ng ayaw ko, ay yung tinatawag ako ng hoy sa dahilan may pangalan ako. Sadyang nakakapanggigil lang talaga. Ang bad trip lang talaga kasi. Pakiramdam ko, kapag tinatawag ako ng hoy, para akong isang maliit na maliit na alikabok. Ganun ang pakiramdam ko, sobrang nanliliit ako. Pakiramdam ko, wala lang ako. Ang bad trip di ba? Pero yung pinost ko sa taas ay syempre.. kalahati lang doon ang totoo. Alam nyo kung bakit? Ito ay dahil sa syempre di ko naman mamumura yung tao dahil sa totoo lang, nananahimik na lang ako... kasi... nasasaktan na talaga ako. Nalulungkot ako na galit na di ko maintindihan. Siguro maiisip nyo na ang babaw ko naman. Pero anak ng pickles naman, eh kung kayo kaya yung tawagin na hoy, tapos yung tono pa ay yung tipong suplada/suplado effect at di yung tipong naglalambing... ano ang mararamdaman mo?
FPJ: Tatakbo sa Pagkapangulo
Tama ang mga haka-haka dati, na si FPJ nga, ang kilalang action King ng Pelikulang Pilipino ay tatakbo nga bilang pulitiko. Kung gagawing pelikula ang darating na halalan, malamang ay si FPJ ang bida at ang mga kalaban nitong partido ay ang mga kontra-bida. At siyempre, dahil siya ay bayani ng masa na mga taga-subaybay ng mga pelikula ni FPJ, ay malaki talaga ang tiyansa niya na manalo sa darating na halalan. Kung titignan mo sa statistics ang porsyento ng populasyon kung ilan dito ang sa masa ay baka malula ka at mapaluha na lang. At siyempre pa, lalo na't nawawalan na ng pag-asa ang karamihan ng napapabilang sa middle class ay baka mabawasan pa ang mga boto para sa mashigit na karapatdapat na maging pangulo ng ating bansa. Milagro na lang siguro na di siya ang mananalo...
Yan ang hinirit sa akin ng nakakatanda kong kuya. Pero, siya, alam niya ba ang ibig sabihin ng kuya? Ako naman kasi tinutulungan ko naman si bunso hangga't sa makakaya ko. Pero si Kuya, tinulungan nya ba ako sa mga machine projects lalo na nong mga panahong kelanganan na kailangan ko ang kaalaman nya? Hindi naman niya ako tinutulungan sa tuwing nagpapaturo ako sa kanya. Hindi ba't nakakapagtaka at isinumbat niya sa akin yan? Ano ba naman yan? Hindi ko lang maisumbat sa kanya right-on-his-face dahil siyempre, masmatanda siya sa akin at baka masuntok lang ako niyan. Isang war freak ata ang Kuya ko. Susme...
Kanina lamang ay lumabas kami ng aking ama at ng aking kuya kasi nga kaarawang ni Daddy kahapon (November 21). Sa Greenbelt kami napadpad. At nong paalis na kami, ay nadaanan namin ang Tokyo Tokyo at meron yata silang promo doon at ang tawag ay Shrimply Irresistible. Tignan mo nga naman. Haha. Ganyan na ka-corny ang hirit ng mga tao ngayon siguro ay dahil sa nagiging limitado na rin ang creativity ng ilan.
Nirerekomenda ko: Chilli's
Aking nirerekomenda na subukan nyong kumain sa Chilli's. Masarap doon pangako yan. Hehehe! Sa Fajitas pa lang busog na busog na. Paano, ang galing kasi talaga ni Kuya eh.. yung one pounder pa talaga yung inorder. Ayan tuloy, may natira pa. Sa katunayan nga, hindi talaga good for two yung Beef Fajitas nila. Pwede pa tong maging good for 3 or 4 at syempre, depende na din kung gaano kalalakas kumain ang mga iyon. Hehehe! Tapos yung nachos doon ay bottomless din. Fajitas at nachos pa lang ay siguradong busog na kayo doon. Hehe!