Napanood ko ito kamakailan, dapat nga The Grudge yung papanoorin ko kaya lang baka bangungutin naman ako pagkanood nito. Purong purong slapstick comedy ang nasabing pelikula. At pagkatapos, wala siya masiyadong istorya. Di ko siya ganun na-appreciate pero natuwa ako doon kay Cody sa mga pinepredict nya. Hehe. Siguro, kung kailangan nyo ng panandaliang kaligayahan, ito ang panoorin nyo. Hehe. Pero kung nanghihinayang kayo sa pera, maghanap na lang siguro kayo ng ibang pelikula na tiyak na magugustuhan nyo.
Kanina lamang ay sinamahan ko ang aking nakakatandang kapatid na mag-grocery sa may Rustan's sa Magallanes. At dahil ay di na sinusuotan ni Kuya ng diapers ang mga anak niya. Ayun... muntikan na talaga silang magkalat sa Grocery. Hehe. Sabi kasi kanina ni Justin wee wee na raw siya. Ayun, bigla ba naman binaba ang kanyang salawal. Ako naman ay agad inutusan ni Kuya na itakbo papalabas ng Grocery ang aking pamangkin. Siyempre, tumakbo siyang nakababa ang kanyang shorts pero tinaas ko iyon sa kalagitnaan ng pagmamadali. Tapos, si Lance naman daw ang sumunod. Hehe.